September 8, 2010
Welcome Guest       Already a member? Please Login Here       Don't have an Account yet? Register now! It's Free!
World-Class Filipino  |   WEB  
 

Hiblang Pilak

By Jesus Mayorico Abanico

Sinaklot ng lamlam ang mamad na mukha
Naglaro sa tanaw ang dating gunita;
Ang mata't katawang sa hirap ay pata
May bahid-hinampo't walang mag-aruga.

Hukot at baluktot - balikat at likod
Mahina, butuhan - tuhod at gulugod;
Yaong mga bungang karugtong ng pusod
Ang inihahanda'y kabaong at puntod.

Sa lipaking palad ay walang umakay
Maugat na paa'y hindi maihakbang;
Upang kabakahin ang sukdol ng buhay
Pilit nagtitigis ng lakas at tapang.

Datapwa't ang lakas ay wala nang bisa
Ni ugong ng tapang ay walang magawa
Na muling gisingin, pukawin ang kusa
Maglakas-lakasan upang magtihaya.

At sa gayong ayos na kahambal-hambal
Ay di masawata ang luhang nunukal;
Ang munglay na dibdib nitong pagmamahal
Ay tatahip-tahip sa panghihimagal.

Walang anu-ano'y nahimbing sa lunos
Ang tamad na puso'y ayaw nang tumibok;
Labi'y nakiayon sa putla ng buhok
Hininga'y kinibat ng luksang alabok.


*JESUS MAYORICO PLATA ABANICO JUNIOR
Batangas Lungsod Kong Mahal

USER COMMENTS


 

Blog Updates
SELFLESS
By RSP
Jun 27, 2009

LIFE IS A BOXING
By RSP
May 03, 2009

MY SMALL LIFE
By Janet Aureus
Apr 21, 2009

RED ROSE
By Eng. Danilo Perez
Apr 10, 2009

Turning Point
By RSP
Apr 07, 2009

Featured Affiliates
THUMBMARK, the creative company Read Full Profile