KARUGTONG NG BUHAY
By RSP

HE is our HOPE...
Our true HAPPINESS...
Our LIFE...
KARUGTONG NG BUHAY
By RSP
Ikaw ang sikat ng araw tuwing ulan ay papanaw
Tanglaw sa daanang hindi malinaw
Ang buwan at bituin sa gabing madilim
At ang liwanag sa dulo ng kwebang hindi mabanaag
Ikaw ang payaso ng nalulumbay na puso
Nagpapasigla sa mga panahon na di kaaya-aya
Ang kiliti ng katawang nananatili
At ang ngiti na namumutawi sa aking mga labi
Ikaw ang dugong dumadaloy sa aking katawan
Ugat ng aking kalamnan
Ang pintig ng aking pulso
At ang utak na naguugnay sa aking pagkatao
Ano pa man ang aking bigkasin
Iisa lang ang ibig ipakahulugan o sabihin
Sa madaling salita Diyos Ama
Ikaw ang hangin sa aking paghinga

USER COMMENTS
Blog Updates
What are the traits of an efficient transcriptionist?
By Archie de LaraAug 13, 2011
SELFLESS
By RSPJun 27, 2009
LIFE IS A BOXING
By RSPMay 03, 2009
MY SMALL LIFE
By Janet AureusApr 21, 2009
RED ROSE
By Eng. Danilo PerezApr 10, 2009
Featured Affiliates