February 8, 2012
Welcome Guest       Already a member? Please Login Here       Don't have an Account yet? Register now! It's Free!
World-Class Filipino  |   WEB  
 

PAGBABAGONG HANGARIN

By RSP

The world is not getting any better,

Let us start changing our ways...

 

  

Pagbabagong Hangarin

By RSP

 

 

Verse 1

Habang lumalaon ang panahon

Paligid mo ay, unti-unti nang bumibigay

Maitim na ang hangin dagat at mga lupain

Pagmasdan mo ang kabundukan, hindi na luntian

 

Verse 2

Habang lumilipas ang mga oras

Mga gubat ay, kalbo na at walang buhay

Wala nang kumakapit, lupa'y gumuguhong pilit

Mga ibong nagliliparan, ngayon ay nasaan

 

Refrain1

Tumingin ka sa salamin at ang sarili'y tanungin…

Kaya mo bang matuto, kaya mo bang magbago

Kaya mo ba? Kaya mo ba? Ohhh

 

Chorus

Hindi lamang minsan tayong nasabihan

Na wag pabayaan ating kalikasan

Pagbabagong hangarin atin nang sikapin

At nang itong layunin, di maglaho sa hangin

Pagbabagong hangarin…

 

Verse 3

Habang imiikot ang mundo

Patuloy rin ang mga pagbabago

Nagbabago ang klima bakit tayo ay di pa?

Wag na tayong magalinlangan, magbagong tuluyan

 

Refrain2

Tumingin ka sa salamin at sa sarili ay sabihin…

Kaya mo nang matuto, kaya mo nang magbago

Matuto na. Magbago na. Ohhh

 

Bridge

Ito ang hamon ng iyong panahon

Kumilos na magbago na

hangga't mayron pang hininga

 

Refrain3

Tumingin ka sa salamin at ang sarili'y sagutin…

Gusto ko nang matuto, Gusto ko nang magbago

Gusto ko na. Gusto ko na. Ohhh

 

Repeat Chorus

 

Pagbabagong hangarin 2X

 

 

 

USER COMMENTS


 

Blog Updates
What are the traits of an efficient transcriptionist?
By Archie de Lara
Aug 13, 2011

SELFLESS
By RSP
Jun 27, 2009

LIFE IS A BOXING
By RSP
May 03, 2009

MY SMALL LIFE
By Janet Aureus
Apr 21, 2009

RED ROSE
By Eng. Danilo Perez
Apr 10, 2009

Featured Affiliates